top of page

THROWBACK THURSDAY


Minsan, ako’y napadaan sa isang lugar. Tila ito’y isang pamilyar na kalsada...isang kalsada na may napakaraming nakakabit na mga alaala. Karamihan sa atin ay naabutan pa ito. Madalas nating binabaybay noon ang kalsadang ito lalo na tuwing Linggo.

833 Sheridan Street. Matatagpuan ito sa siyudad ng Mandaluyong, at ang katapat nito ay isang TV station. Ito ang naging tahanan natin sa loob ng labing-anim na taon. Hindi maitatangging maraming nabuong alaala at kaganapan dito; parehong masaya at malungkot. Isama mo pa ang taunang pagmamartsa natin sa kalsadang ito at sa iba pang nakapalibot na mga kalsada tuwing ipinagdiriwang ang Araw ng Palaspas.

Dito rin nakatayo ang isang napakalaking gusali - isang dating bodega na pinagtulung-tulungang linisin, pagandahin, hanggang sa tuluyan na itong maging isang kaaya-ayang tahanan nang papuri at pagsamba. ‘Yong iba nga ay dito na bininyagan, lumaki, nag-aral, ikinasal at marami pang iba. Jorvina Hall, Rosario Dee Hall, Bishop's Office, Altar, Sanctuary, Sacristy, King's College, Birthing Clinic, Counseling, Media Ministry Office, Orchestra Area, Holy Society of King David's Office...iilan lamang ang mga ito sa nagpapaalala sa atin ng mga makukulay na pangyayari sa ating paglalakbay bilang isang simbahan, at sa ating pinakamamahal na tahanan;

Ngunit hindi na ito tulad ng dati. Sa anim na taong nakalipas, marami nang nagbago sa 833 Sheridan Street. Gayunpaman, hindi magbabago ang katotohanang habambuhay itong mag-iiwan ng marka sa ating mga puso.

Sa ating pag-alala sa mga kaganapan sa lugar na ito, nawa'y maalala rin nating ang Diyos ay naging tapat at patuloy na nagiging tapat; sapagkat ngayon ay mayroon na tayong sariling tahanan! At hindi natin ito matatagpuan kung hindi natin nilisan ang 833 Sheridan Street. Ika nga nila, kung minsan, may mga bagay tayong kailangang pakawalan upang makamit ang biyayang sa atin ay inilaan. Kaya naman huwag na huwag mong kakalimutan: Magbago man ang lahat, ang Diyos ay mananatiling tapat!

Kung ikaw ay mayroong alaala sa lugar na ito na nais mong ibahagi, pwedeng pwede mo 'yan ilagay sa comment section ng post na ito.


photos by FRANCIS GUANCO, CYRIL BUNUAN, and TONITO VAQUER(+)

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
bottom of page