top of page

WEEKEND PRAYER


Sa panahon na ito, marami ang naghihirap, at marami ang nagugutom. Ngunit, bilang mga anak ng Diyos, dapat nating makita na kahit mukang higante ang problema sa anumang sitwasyon, mayroon at mayroong biyaya na mapupulot. Kailangan natin matutunan na magpasalamat sa kung ano ang ibinigay sa atin ng Panginoon. Tayo ay manalangin...

"Nagpapasalamat po kami sa Iyo, Panginoon, dahil kami ay nakakakain araw-araw. Nawa'y matutunan naming pahalagahan ito at hindi basta-basta nalang na balewalain. Tulungan Mo sana kami na makunteto sa kung ano ang inilagay Niyo sa aming hapag-kainan at huwag nang mamili ng aming kakainin. Gabayan Niyo po kami na huwag magsayang ng pagkain, at paalalahanan kami na ito ay biyayang ibinigay Niyo sa amin. Sapagkat Ikaw ang Makapangyarihan magpakailanman. Amen."

Ating alalahanin na babangon din tayo at haharapin ang bukas ng may pag-asa dahil kay Hesus. Kaya habang kayo ay naghahanda nang humiga at magpahinga, alalahanin niyo na ang Diyos ay ang umiibabaw sa lahat ng sitwasyon na pinagdadaanan natin. Sa bawat gutom, Siya ay nagpapakain. Sabay-sabay natin siyang purihin bukas ng umaga.


photo by LUIGI PEPINO

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
bottom of page